Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality walang tropa sa kamalditahan

0 129

Sanay na sanay na pala ang mga kasamahan at katrabaho ng isang kilalang female personality sa kanyang kamalditahan. Hindi na bago para sa mga ito kapag nagpapalutang ng kaangasan ang babaeng personalidad.

Kahit sa linya ng kanilang trabaho ay ganu’n na talaga siya, palaging nambabara, bihirang-bihira siyang pumupuri.

Kuwento ng aming impormante, “Naku, dati na siyang nega! Kabisado na ng mga katrabaho niya ang kakaiba niyang ugali! Feeling niya kasi, e, siya na ang pinakamagaling!

“E, kung tutuusin naman, e, hindi siya kagalingan, magaling siyang kontrabida, pero hindi niya makakayang pantayan ang maraming artista d’yan!” unang komento ng aming source.

Naging super-nega nu’ng nakaraang halalan ang female personality na walang makikitang positibo sa kalaban ng minanok niyang politiko. Araw-araw siyang nakakatikim ng pamba-bash, pero wala pa rin siyang kadala-dala, ariba pa rin siya nang ariba sa kanegahan niya.

Patuloy ng aming source, “Hindi na bago ‘yon para sa mga kasabayan niya bilang singer-actress. Marami siyang hindi kasundo. Sobra naman kasi ang tingin niya sa sarili niya!

SM food to go Banner Ad

“Akala mo naman siya na ang pinakamahusay kumanta at umarte. Marami siyang sinasabing pintas sa mga kasamahan niya, e, isang kanta lang naman niya ang medyo nakilala ng publiko!

“Talagang ganu’n na siya, wala nga siyang masasabing mga friends niya, e! Wala naman kasi siyang matatawag na katropa dahil sa kamalditahan niya!” nakasimangot pang sabi ng aming impormante.

Maghapon at magdamag kunong nakababad sa kanyang mga gadgets ang female personality, halos hindi na siya tumatayo, binabantayan niya ang galaw ng mga politikong kinakalaban niya.

“Ano pa nga ba? Naku, lalo na ngayon na olats ang minanok niya, wala na siyang gagawin ngayon kundi ang bantayan ang mga politicians na nagpakain sa kanila ng alikabok.

“Palibhasa naman kasi, e, wala siyang pinagkakaabalahan. Wala siyang acting project, wala rin siyang mga shows, kaya ganyan kaluwag ang oras niya!

“Palagi na lang siyang negatron, pintas dito pintas du’n, ‘yon ang nagpapaligaya sa kanya! Kaya ang mga nanalong politiko, lagot! Lagot kayo sa kanya!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Leave A Reply

Your email address will not be published.