Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality winasak ng barkada

0 146

Palaging paksa sa mga umpukan ang isang pamosong female personality na hindi na aktibo sa pag-aartista. Pinanghihinayangan siya ng marami dahil kinilala pa siyang reyna sa kanyang pinagserbisyuhang istasyon nu’ng kanyang panahon.

Pero biglang nagbago ang takbo ng kanyang buhay at career, nawasak ang personal niyang buhay dahil sa paghihiwalay nila ng kanyang karelasyon, naging kasabay na rin ‘yon ng pagkawala ng kanyang mga trabaho.

Ang tanungan ng lahat ay kung paano siya nabubuhay nang wala naman siyang trabaho? Kanino siya lumalapit? Sino ang tumutulong sa kanya?

Kuwento ng aming source, “Nakakapanghinayang naman talaga siya dahil ang ganda-ganda ng takbo ng career niya dati. Reynang-reyna nga ang dating niya, siya ang sumusuko sa trabaho sa network na pinagtatrabahuhan niya.

“Pinipili niya na lang ang project na gusto niyang gawin, hindi na kasi niya kaya ang work load, sobrang dami! Maraming naiinggit sa kanya nu’n, napakaganda naman kasi talaga ng career niya, pero anyare?” unang sultada ng aming impormante.

Napasama nu’n ang female personality sa isang barkadang hindi naging magandang impluwensiya sa kanya. Napabayaan ng babaeng personalidad ang kanyang sarili at ang karera niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi uli ng aming source, “Nu’n na nagsimulang bumagsak ang career niya. Wasak na ang listahan ng mga priorities niya. Pakikipagbarkada ang inatupag niya!

“Kung anu-ano ang pinaggagagawa niya, napabayaan na rin niya pati ang mga anak niya! Hindi niya kinaya ang pang-iiwan sa kanya ng male personality na pinaniwalaan niyang magiging kasama na niya habambuhay,” dagdag na kuwento pa ng aming source.

Dumaraan ngayon ang araw sa buhay ng female personality nang paganu’n lang. Parang walang plano, walang direksiyon, kung ano na lang ang dumating.

Balik-chika ng aming impormante, “Nakakapanghinayang talaga siya. Ang dami-daming nangangarap na maging siya, pero pinakawalan pa niya ang opportunity.

“Ngayon nga, tinutulungan lang siya ng mga kapamilya niya, mabuti na lang at hindi nagsasawa ang mga taong ‘yon sa pagtulong sa kanya. Puwede naman kasi siyang magtrabaho, pero wala siyang disiplina!

“Paano manghihinayang sa kanya ngayon ang male personality na nagmahal sa kanya, pero iniwan siya? Hay, naku! Napakasarap niyang hampasin ng bareta ng sabon!” nakairap na pagtatapos ng aming source.

Leave A Reply

Your email address will not be published.