Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality windang ang trip

0 78

Kahit pala sino ay walang power para pigilan ang isang kilalang female personality tungkol sa mga bagay-bagay na gusto niyang gawin.

Basta meron siyang naisipang gawin ay wala nang makapipigil pa sa kanya, walang kahit sinong pinakikinggan ang babaeng personalidad, siya lang talaga ang reyna ng sarili niyang mundo.

Juice colored, sabi nga ng kanyang mga nakakatrabaho, ibang klase ang female personality na ito na kung ano ang gustong patunayan sa buhay ay hindi rin nila alam.

Kuwento ng isang source na nakasubaybay sa pagsisimula ng female personality, “One-track-mind kasi siya. Kung ano ang pumasok sa utak niya, e, ‘yun na ‘yun!

“Wala nang urungan ‘yun, wala siyang pinakikinggan, kahit nga ang parents niya, e, walang magawa sa kanya! Dati, pinakikinggan pa niya ang boyfriend niya, pero nu’ng magtagal, e, wala na rin! Deadma na lang siya!” unang komento ng aming impormante.

Nu’ng hindi pa nagsasarili ang female personality at kasama pa niya ang kanyang pamilya ay ramdam na ang pagkakaroon niya ng sariling mundo.

Patuloy ng aming source, “Imagine, gumigising siya na naka-Japanese kimono. As in, kumpleto ‘yun, mula ulo hanggang paa! Trip niya talaga, e, isa siyang geisha!

“Wala lang, trip lang niyang maging Haponesa! ‘Yun lang ang dahilan, gusto lang niyang maging Japanese, laban ka? Nagtataka siyempre ang mga kasama niya sa bahay, pero wala naman silang magawa!

“Iniisip na lang ng family niya na siguro, e, may pinaghahandaan siyang role, kaya nagpa-practice na siyang magsuot ng ganu’n. ikot siya nang ikot sa bahay nila na naka-kimono siya!” namamanghang kuwento ng aming source.

Minsan naman ay napagtripan ng girl na isa siyang pusa. Kumpleto rin ang costume niya, para siyang nasa gitna ng stage para sa musicale play na “Cats,” laban kayo du’n?

“Ibang klase siya talaga, nag-iisa lang siya sa mundo niya, walang makapipigil sa kanya, kesehodang windang na ang mga nakakakita sa kanya!

“Professionalism daw ang tawag sa mga ginagawa niya, hindi lang daw siya sa harap ng mga camera umaarte, kahit offcam, ginagawa niya!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Christian todo alalay kay Lani

Palipat-lipat ang panonood namin nu’ng Linggo nang tanghali, hilung-hilo na ang aming remote control, dahil sa ASAP Natin ‘To at All-Out Sundays.

Bumabad kami sa AOS habang kumakanta sina Lani Misalucha at Christian Bautista. Napakaganda kasi ng kanilang rendisyon ng “Ikaw,” maayos na maayos ang kanilang blending, para kaming hinehele.

Nakaramdam lang kami ng awa kay Lani habang kumakanta, hindi siya bumibitiw kay Christian, alam naman natin ang kanyang pinagdaanang sakit at hanggang ngayo’y nahihilo pa rin siya kapag kumikilos.

Pero gusto naming palakpakan ang propesyonalismo ng Asia’s Nightingale, sa kabila ng kanyang dinanas ay heto pa rin siya, patuloy na nagtatrabaho at ibinibigay ang lahat-lahat para sa kanyang mga tagasuporta.

Binantayan namin ang kanyang kaliwang kamay kung bibitiw siya kay Christian, birit kung birit pa naman ang kanyang pagkanta, pero hanggang sa matapos ang piyesa ay nakahawak pa rin siya kay Christian.

Naalala tuloy namin ang ibang mga singers na may konti lang na dinaramdam ay agad nang magdadahilan, ayaw nang mag-perform, samantalang kayang-kaya naman nila.

Sumailalim sana sila ng seminar kay Lani Misalucha na kahit nahihilo pa ay nagtatrabaho pa rin, hindi nasisintunado, ibinibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya para paligayahin ang publiko.

Harinawang maging maayos na ang kalusugan nilang mag-asawa, makakilos na sana siya nang normal na tulad nang dati, isang pagsaludo sa propesyonalismo ni Lani Misalucha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.