Abante Tonite Interactive

Female singer ayaw makisama sa mga ka-batch

0 476

Matagal nang namamayagpag ang career ng isang female singer. Naungusan ng babaeng mang-aawit ang mga naging kasamahan niya noong nagsisimula pa lang siya sa music scene.

Sa kanilang batch, siya talaga ang umalagwa nang husto ang career, the rest ay napag-iwanan na talaga niya nang milya-milya.
Napag-isipan ng kanyang ka-batch na mag-reunion concert dahil gusto nila na magsama-sama.

Pero nang inilatag na ng kanyang mga dating kasamahan ang proyekto, ang dami­ng objections ng sikat na female singer. Bukod sa malaki dapat ang kanyang billing, nag-demand pa ito ng malaking talent fee na hindi kinaya ng grupo dahil wala naman silang producer. Kumbaga, sila-sila lang naman dapat ang mag-aambagan.

Ang ending, ‘di natuloy ang reunion concert.

Okey lang sa mga ka-batch ni sikat na female singer ang nangyari. Tanggap nila na hindi na nila afford ang talent fee ng kanilang dating kasamahan pero ang hindi matanggap ng mga ito ay ang dialogue ni female singer na more or less ay ganito: “Plano kayo nang plano ng reunion concert, wala naman pala kayong mga pera,” na ikinagulat ng lahat.

Noon nila napagtanto na talagang nagbago na ang dati nilang kasamahang mang-aawit. Nilamon na ito ng sistema. Balewala na sa kanya ang kanilang nagi­ng samahan at pera-pera na talaga ang labanan para sa kanya.

Sino ang sikat na female singer na ubod na ng taas ng ere? Maging ‘yung kanyang kasamahan dati ay ‘di pinatawad sa taas ng kanyang talent fee?
Sikat na singer pa rin siya hanggang ngayon at may mga concert pa rin ito here and abroad. Kilala rin ang female singer na ito sa pagiging kuripot at masinop sa buhay kaya naman marami siyang naipundar na mga mamahaling ari-arian. (Timmy Basil)