Abante Tonite Interactive

Female singer binugaw ang dyowang afam sa GRO

252

Mahal na mahal ng dyowang afam ang female singer. Dumating sa point na nag-leave nang mahaba-habang panahon si afam sa kanyang trabaho para makapiling nang matagal-tagal ang ­female singer sa Pilipinas.

Sagana sa datung si female singer dahil very generous si afam.

Pero may isang kahilingan si afam na hindi maibigay-bigay ni female singer – ang magkaroon sila ng sariling anak.

Hindi kayang ibigay ni female singer dahil ayaw niyang masira ang kanyang career, ayaw niyang mag-iba ang kanyang figure.

Eh si afam, gusto na talagang magka­anak dahil medyo may edad na ito.

Nagkaroon ng bright idea (kung tala­gang bright idea nga ito) si female singer. Sinamahan niya ang kanyang dyowang afam na maghanap ng babae na siyang bubuntisin ni afam, parang babayaran lang nila.

Napadpad sila sa isang bar at napapayag ang GRO sa gustong mangyari nila.

Pero ang hindi alam ni female singer, unti-unti nang na-develop si afam sa GRO at kalaunan ay naging happy family na ito.