Abante Tonite Interactive

Female singer ginugutom ang mga kasambahay

420

Beterana na sa pagkanta ang female singer na ito. Nakatira ito sa isang ekslusibong subdibisyon.

Dahil sa pagiging masinop ay marami siyang naipundar.

Pero mukhang sumusobra naman ang kakuriputan niya. Ginugutom niya ang kanyang mga katulong.

Abante Hiring – IT dep

Kapag umaalis siya ng bahay ay nila-lock niya ang refrigerator para hindi makakuha ang kanyang mga kasambahay.

Pero ang nirereklamo talaga ng mga ito ay kapag nag-a-abroad si female singer.

Kulang na kulang ang perang iniiwan niya para sa gastusin sa kanyang mga katulong.

One time nga raw, gutom na gutom na ang mga ito. Mabuti na lang at sa awa ng may-ari ng katabing bahay ni female singer ay binibigyan sila ng pagkain.

Kaya wala talagang tumatagal na katulong kay female singer.

At ito pa ang the height. Kapag inuutusan ng female singer ang kanyang katulong na mamili sa palengke gaya ng karne, mayroon itong sariling kilohan sa bahay. Tini-timbang niyang muli ang napamili ng pobre niyang utusan.

Minsan kasi may daya rin ang mga timbangan sa palengke kaya minsan kulang ng ilang guhit. Pinapabayaran daw talaga nito sa kanyang inutusan.

Ganu’n katindi at ka-estrikto si female singer. Hindi pa rin siya nawawala sa limelight. May mga concert pa rin naman siya here and abroad. Pagdating sa pagpe-perform ay hahangaan mo talaga siya. (Timmy Basil)