Abante Tonite Interactive

Female singer, ibang-iba na ang itsura

By
8

Kasama ang isang female singer na sumikat noong 70’s hanggang 80’s sa musical tribute ng isang weekly musical variety show sa isang kilalang composer.

Marami ang nagulat kay female singer dahil parang may nabago na naman sa mukha niya.

Hindi nakilala si female singer ng maraming viewers at pati mga tao sa studio dahil ibang-iba na ang hitsura niya.

Abante Hiring – IT dep

Noon pa obvious na mahilig magparetoke si female singer at napakarami na niyang ipinabago sa kanyang mukha.

Pati ang ilong niya, obvious na produkto rin ng “salamat po, doktor.”

Sabi ng kanyang mga kaibigan, mukhang ayaw na talagang magpaawat ni female singer sa pagpaparetoke at kapareho na rin siya ng ilang Hollywood celebrities na “addicted” sa pagpaparetoke!

Sino si female singer? Naku, itanong n’yo na lang kay Adan, huh!

***

UMIYAK si Annabelle Rama sa press conference ng kanilang pamilya kung saan in-announce nila na magsisimula na sa Lunes (Hulyo 25) nang 8:30 PM sa E! ang reality TV series nila na It Takes Gutz to be a Gutierrez.

ruffa-jordanNadulas si Bisaya at naikuwentong may health crisis ang anak na si Ruffa Gutierrez kaya isinugod ito sa ospital last week.

Nag-iiiyak na naman si Bisaya kahapon habang kausap ko sa telepono.

Nabasa kasi ni Bisaya ang mga naglabasang balita tungkol sa kalagayan ni Ruffa at bumalik sa kanyang alaala ang hindi maintindihang sakit ng panganay.

Tinawagan siya ng kapatid niyang doktor na taga-Texas, USA na si Buloy, at ipinaalalang seryoso ang nangyayari kay Ruffa at sinabihan siyang ipa-test ang kanyang anak.

“Kahapon, naiyak ako. Kanina, habang binabasa ko ang mga lumabas sa diyaryo, naiyak na naman ako.

“Hindi ko mapigilan. Masyado akong nagwo-worry for Ruffa,” sabi ni Bisaya at naiyak na naman siya habang kausap ako.

“Sabi pa ni Buloy, ipa-check-up kong mabuti si Ruffa. May pinagagawa siyang test for Ruffa na kailangang-kailangan daw.

“Sobra akong nagwo-worry for Ruffa. Sabi ko nga kay Ruffa, isasama namin siya ng Daddy (Eddie Gutierrez) niya sa Bangkok (Thailand) para magpa-check-up kung saan kami nagpa-check-up before.

“Hindi biro ‘yung nangyari sa kanya last week. Iyak ako nang iyak.Iniisip ko pa lang kung ano ang sakit ni Ruffa, iyak na ako nang iyak.

“Sa presscon kasi noong Monday, hindi ko talaga mapigilan. Kasi, tinanong ako.

“Ang usapan, kapag may magtatanong sa akin, si Richard (Gutierrez) ang sasagot. Pero bago kami sumalang, ang sabi ni Direk Steven (Gilfeather), siya na ang sasagot kapag natanong ako tungkol kay Ruffa.

“Pero hindi naman naintindihan ni Direk Steven ang tanong sa akin, kaya ayun, ako ang sumagot.

“Panay nga ang sipa ni Eduardo sa paa ko, kasi nga, nadulas na ako, pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

“Umiyak na lang ako nang umiyak. Basta talaga tungkol kay Ruffa, hindi ko maintindihan, pero masyado akong affected,” sabi ni Bisaya.

Kung noong una ay nagre-react siya dahil parang ayaw siyang papuntahin ni Ruffa sa birthday celebration nito last month, unti-unti ay naiintindihan na rin niya ang tungkol sa bagay na ‘yon.

“Naisip ko lang, sigu­ro ayaw din ni Ruffa na naiirita ako, kaya ayaw niyang makita ko si Jordan (Mouyal), kaya parang ayaw na lang niya akong papuntahin sa birthday party niya.

“Alam kasi ni Ruffa na kapag nakikita ko si Jordan, hindi ko mapigilang mag-react. Siguro, para wala na lang away, iniiwas na lang niya si Jordan sa akin,” sey ni Bisaya.

May naikuwento rin si Bisaya na sabi naman sa kanya ng mga apong sina Lorin at Venice ay panay ang away nina Ruffa at Jordan, kaya sabi pa ng Gutierrez matriarch, mukhang matutupad ang pangarap niya na magkahiwalay din ang dalawa.

“Sana nga,” sabi pa ng nanay ni Ruffa.