Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female singer inayawan ng pamilya ng lalaki

0 141

Maraming nanghihinayang sa nakaraang pagdidikit ng marami sa pangalan ng isang kilalang female singer sa isang lalaking mang-aawit. Akala ng marami ay biru-biruan lang ‘yon.

Maraming hindi nakakaalam na nagkaroon ng seryosong pagtanggap du’n ang kani-kanilang kampo. Ang nagpalaki sa female singer at ang pamilya ng male singer.

Sabi ng aming source, “Ang buong akala ng mga miron, e, joke-joke lang ang pagiging close ng dalawa. Ang hindi nila alam, e, seryoso ‘yon, alam ng mga pamilya nila na nagkakaigihan sila.

“Kaso, ang pamilya pala ng male singer ang hindi naging pabor sa pagiging close nila, naapektuhan ang family ng male singer sa mga kuwentong nakarating sa kanila,” unang sultada ng aming impormante.

Maraming kumontak sa pamilya ng male singer, ‘yon ang mga taong nakakakilala sa babaeng singer, alam na alam nila ang kartada ng babae mula nu’ng kanyang kabataan.

Balik-chika ng aming source, “Ayaw ng mga taong ‘yon sa female singer, nakakaawa naman daw ang male singer dahil siguradong problema lang ang ibibigay sa kanya ng babae.

“Hindi naman naninira ang mga nakausap ng family ng guy, nagsasabi lang sila ng totoo, dahil nasubaybayan nila ang buhay ng girl.

“Maraming kuwento. Malaking sakit ng ulo ng nagpalaki sa kanya ang girl, kasi nga, napakahilig niyang bumarkada. Pagkatapos ng trabaho niya, e, hindi pa muna siya umuuwi, dumadaan pa siya sa mga katropa niya, nagnonomo-nomo muna sila!

“E, mahirap na nga naman, kung walang pinakikinggang payo ang girl, makaya kaya siyang pakinggan ng girl kapag sila na? So, naisip ng pamilya ng guy, huwag na lang, iwasan niya na lang ang babaeng halatadong type na type ang guy!” mahabang kuwento ng aming source.

Sayang nga naman. Maganda sana ang kanilang kumbinasyon dahil pareho silang magagaling na singers, kayang-kaya nilang magsama sa isang concert na siguradong papatok sa manonood, panalung-panalo ang kapasidad nila sa pagkanta.

“Talagang sayang. Kung naging sila, kung natuloy ang relasyon nila, ‘yon na ‘yon! That’s the moment na sana!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Leave A Reply

Your email address will not be published.