Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female singer kinaisan

0 127

Palaging bumibida ngayon sa mga kuwentuhan ng mga Marites ng showbiz ang isang kilalang female singer na walang kadala-dala sa pakikilahok sa politika.

Palagi siyang natatalo, pero sige pa rin siya nang sige, talagang ginagawa na niyang pangalawang karera ang mundo ng politika.

Kuwento ng aming source, “Napakaraming nagtataka kung bakit wala siyang pahinga sa pagtakbo, e, ilang beses na siyang natatalo! Ano ba ang nakukuha niya sa pagkatalo?

“Wala siyang kadala-dala! Parang nagpapagod lang siya! Sunud-sunod na nga ang pagkatalo niya, kandidato pa rin nang kandidato! Ano ‘yon?” simulang hirit ng aming impormante.

Ilang dekada nang namumulitika ang female singer sa kanilang probinsiya. Sinuwerte siya nu’ng una pero ang mga sumunod niyang laban ay puro Lotlot na siya.

Balik-chika ng aming source, “May mga nagsasabi na kaya wala siyang pahinga sa pag-akyat sa entablado, e, dahil sa mga tinatanggap niyang tulong, marami pala kasi siyang isponsores, may mga nagbibigay ng pondo sa kanya!

“Ang tanong, ginagastos naman kaya niya ang mga bigay ng sponsors niya? Hindi kaya tanggap lang siya nang tanggap, pero hindi niya naman ‘yon ginagastos sa kampanya niya?

“Marami pala siyang donors! Galing pa sa iba-ibang bansa ang mga tinatanggap niyang kadatungan. Malaki ang naiipon niya sa kampanya, pero ang tanong nga, inilalabas niya ba naman ang mga datung na tinatanggap niya?

“Sa totoo lang, maraming kasamahan niyang personality ang naiinis sa girlash na ‘yon, may tinanggap kasi siyang position para sa mga taga-industriya, pero hindi niya naman nagagampanan!

“Puro siya OPM, puro siya pangako, bagay na bagay sa kanya ang tawag na Ms. OPM siya, dahil OPM singer nga siya! Sa susunod na halalan, asahang papasok na naman siya sa politika!

“E, ano nga naman kung talo siya sa botohan kung panalo naman ang kabuhayan showcase niya? Magaling ang takbo ng utak ng female singer na ito! Kung du’n nga naman siya liligaya, e, bakit ba?” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Leave A Reply

Your email address will not be published.