Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female singer malabo ang mata

0 231

Nakasabay sa flight ng isang grupo ng mga Pinoy ang isang female singer na gustong-gusto nilang pinakikinggan ang mga piyesa bilang pampaantok.

Kinakawayan daw ng mga kababayan natin ang female singer, pero parang walang nakikita, deadma lang daw siya. Habang nasa boarding area raw sila ay gusto na sana nilang magpakuha ng picture na kasama ang singer pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataon.

Kuwento ng aming source, “Antok na antok daw kasi ang female singer, parang kama na ang tingin niya sa airport, kaya hindi sila makakuha ng chance na makipag-selfie.

“Nu’ng nasa plane na sila, bawal palang tumawid ang mga nasa economy papunta sa business class, kaya hindi rin sila nabigyan ng pagkakataong makasama sa picture ang girl,” unang kuwento ng aming impormante.

Lumapag na ang eroplano dito sa ating bayan, mahigpit ang mga airport security sa distansiya, may kalayuan sa kanila ang female singer nu’ng kinukuha na nila ang kanilang mga bagahe.

Patuloy ng aming source, “Wala na talagang chance, magku-quarantine silang lahat pati ang female singer, kaya nabigo ang ating mga kababayan.

“Pero meron silang hindi alam. Para sa grupo ay suplada pala ang singer. Hindi namamansin, parang walang pakialam, parang wala lang kahit may mga kumakaway na sa kanya.

“Kulang sa impormasyon ang grupo, hindi nila alam na matagal nang issue ang pagiging mahina ng paningin ng female singer. Sinasabi niya ‘yon, pati ng mga katrabaho niya, malabo talaga ang mga mata niya.

“Kahit malapitan na, mahirap siyang maka-recognize, kapag nagkaroon nga siya ng panahon, e, gusto niyang makipagkita sa eye specialist. ‘Yon ang hindi alam ng mga kababayan nating kumakaway-kaway pa sa kanya sa airport.

“Kapag pagod na pagod daw sila sa pagtatrabaho, e, ang mga songs ng female singer ang kanilang kasama. Mabilis daw silang antukin dahil sa mga piyesa ng magaling na singer.

“May makapagsabi sana sa kanila na mahina talaga ang mga mata ng female singer, kaya nga palagi siyang nakapikit kapag kumakanta, di ba?” natatawang pagtatapos ng aming source.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Marian minaliit na hurado sa Miss U

Palipad na ngayong araw na ito si Marian Rivera at ang kanyang glam team papuntang Israel. Kaabang-abang ang pagiging hurado niya sa Miss Universe beauty pageant.

Napakalaking oportunidad para kay Marian ang mapili-maimbita bilang judge sa digmaan ng pagandahan ng mga kababaihan sa buong mundo.

Pero siyempre’y hindi mawawala ang mga bashers ng aktres. Sana raw ay ibang personalidad na lang ang kinuhang hurado para hindi mapahiya ang ating bayan.

Sana raw ay Pinay na lang na mahusay magsalita ng Ingles ang inimbita, hindi tulad ni Marian na ni hindi makabuo ng isang pangungusap sa salitang banyaga, nakakatakot daw ang presensiya ni Marian bilang judge sa Miss U.

Sobrang pangmemenos ‘yon sa pagkatao at kapasidad ni Marian. E, ano naman ngayon kung hindi magaling magsalita ng Ingles si Marian, hindi naman siya banyaga, Pilipino siya.

Hindi naman siya mapagpanggap na Inglisera, itinatawid ni Marian ang gusto niyang sabihin sa publiko sa sarili nating wika, krimen ba ‘yon?

Porke ba hindi pala-Ingles ang tao ay kailangan na siyang maliitin? Mas nakakahiya naman ang Pinoy na hindi bihasa sa sarili nating lengguwahe.

Si Marian Rivera ang inimbita ng pamunuan ng Miss Universe, siya ang napiling hurado, anuman ang sabihin ngayon ng kanyang mga bashers ay uwian na dahil may nanalo na!

At si Marian Rivera ang nagwagi!

Leave A Reply

Your email address will not be published.