Abante Tonite Interactive

Female singer at manager na tibo, POMPYANGAN

128

NARINIG namin sa isang radio program ­kahapon na napapag-usapan ang tungkol sa isang kilala at magaling na female singer na hindi lang daw pala manager kundi dyowa na rin ang tibo na nag-aalaga sa kanya.

In fairness kay manager, maganda ang pag-handle niya kay female singer dahil lalong ­gumanda ang career nito.

Pero marami na ang nakakapansin sa ­kakaibang tinginan nilang dalawa.

Minsan sa isang event na kung saan naimbitahan si female singer, nagalit si ­manager dahil inihiwalay siya ng upuan sa kanyang ­alaga.

Nataranta si female singer dahil pinagte-text siya ni manager na sabihan ang ­organizer na ayusin ang seating arrangement at pag­tabihin silang dalawa.

Hindi alam ni female singer kung ano ang gagawin dahil nahihiya siyang sabihin pa ito sa organizer.

Ito ang pinag-awayan ng dalawa pagka­tapos ng event.

Pero madalas sweet sila at naririnig pa minsan na tinatawag ni manager ng ‘babe’ ang alagang female singer.

Sabi ng ilan na alam ang tungkol sa kanilang dalawa, hayaan na dahil maganda ang chemistry nila at bumobongga lalo ang ­career ni female singer.