Abante Tonite Interactive

Female singer panakaw ang pagkain ng chocolate, ice cream

832

tonite-no-thanks-cristy-ferminSa eroplano naganap ang kuwentong ito. Isang grupo ng mga sikat na artista ang bumiyahe para sa isang ma­laking show nila sa isang malamig na bansa.

Bantay-sarado ng kanyang nanay ang isang sikat na female personality. Kainan nang kainan ng tsokolate ang kanyang mga kapwa singers pero palunuk-lunok lang siya.

Bawal na bawal kasi siyang kumain ng chocolate, makakaapekto ‘yun sa ginintuang-boses niya, naawa ang mga kasama niya sa female personality.

Kuwento ng aming source, “Natural, inggit na inggit ang girl sa mga kasamahan niya, nguya­an nang nguyaan, samantalang siya, e, nganga!

“Alangan namang hindi magpunta sa CR ang mommy niya? Madalas nang dyuminggel ang matatanda, di ba? So, ‘yun ang inaabangan ng girl at ng mga kasamahan niya, ang pagpunta sa CR ni mommy, para makakain siya ng bawal na bawal sa kanya!

“May nagbabantay sa mommy niya kung tapos nang mag-CR, lafang naman nang lafang ng chocolate ang kaawa-awang girl, pagbalik ng mommy niya, nagpapanggap na tulog ang female personality.

“Kailangang manahimik siya, hindi siya puwedeng magsalita, dahil nasa bibig pa niya ang chocolate, mabubuking siya ng mommy niya kundi siya magpe-pretend na tulog!” humahalakhak na kuwento ng aming source.

Sa sobrang tagal ng biyahe, natural lang na mag-request ang mga kasamahan niya ng drinks, ng ice-cream, ng wine. Umiirap pa si mommy kapag ganu’n dahil hindi raw ina­alagaan ng mga kasamahan ng girl ang kanilang boses.

“Dahil naiihi na naman siya, gora na naman sa CR si mommy, mabilis na binibigyan ng ice-cream ng mga kaibigan niya ang girl! Awang-awa na kasi sila, sobrang higpit ng mommy ng female singer, kaya para-paraan­ lang ang ginagawa niya!” tawa pa rin nang tawang kuwento ng aming impormante.

Naman! Matalino man daw ang matsing ay nalulusutan pa rin!

Kris lodi taxpayer

Nanahimik na ang mga bashers ni Kris Aquino na panay-panay ang patutsa­da nu’n na extra lang siya sa Crazy Rich Asians.

Nang ipalabas ang pelikula at puro papuri ang tinatanggap ni Kris sa maigsi nga, pero markado niya naman papel, ay napahiya ang kanyang mga kalaban.

Kasi nga naman, yakyakan sila nang yakyakan, inuuna nila ang pagtuligsa sa aktres-TV host nang hindi pa naman nila napapanood ang pelikula.

Wala rin silang maipambala ngayon laban kay Kris Aquino dahil nagdesisyon siyang lalayo pansamantala sa social media. Katwiran ni Kris ay mas maganda nang hindi alam ng mga tumututok sa kanya ang bawat kilos niya’t galaw.

Ang tanging lumabas ay ang pasasalamat niya sa isang kababayan nating pumuri sa kanyang pagganap sa Crazy Rich Asians.

Ang kanyang tugon, makakaasa ang lahat na hinding-hindi siya magiging corrupt, lazy, money grabbing Asian.

Na totoo naman, kaya niyang panindigan ang kanyang sinabi, dahil hanggang sa pinakahuling sentimo ng kanyang kinikita ay nakalantad sa BIR at nagbabayad siya nang kaukulang buwis.

Hindi niya dinadaya ang Rentas Internas, handa siyang ipakita ang kanyang libro para rebisahin ng mga examiner-imbestigador ng BIR, dahil wala siyang itinatagong mga numero.

Puwede ngang mag-seminar kay Kris ang mga negosyan­teng kinukuwestiyon ang ibinabayad na buwis.

Kaya kung papasok sa mundo ng politika si Kris ay hindi siya malalagay sa ala­nganin, walang makapanunumbat sa kanya sa usapin ng tax, na ang ibig lang sabihin ay sobra-sobrang napakalaki ng kanyang kinikita kaya malaki rin ang binabayaran niyang buwis.