Abante Tonite Interactive

Female singer pinagdudahang tibo

839

tonite-no-thanks-cristy-fermin

Sa isang subdivision nakatira ang isang pamosong female performer. Wala pang kahit sinong kapitbahay nila ang nakakakita sa kanya.

 

Sasak­yan lang niya ang nakikitang lumalabas at pumapasok sa kanilang bakuran.

Matagal nang naninirahan sa nasabing subdivision ang pamilya ng female singer, may mga nag-aabang na baka sakaling masilip ng mga kapitbahay ang kanilang idolo, pero talagang mailap ang pagkakataon.

Madalas na madaling-araw na umuuwi ang dalaga dahil sa kanyang mga kompromiso, pero ang ipinagtataka ng mga kapitbahay nila ay parang wala na siyang pahinga, dahil maagang-maaga na naman siyang umaalis.

Kuwento ng aming source, “‘Yung mga kasambahay namin, panay ang silip sa house nila, baka raw kasi masuwertihan nilang lumabas sa garden ang idol nila.

“Pero ilang buwan na silang matiyagang nagbabantay, hindi pa rin nila nakikita si ____(pangalan ng maga­ling na performer),” kuwento ng a­ming kausap.

Sayang, ang dami-dami pa namang may gusto sa kanya, kinikilig din ang mga kapitbahay niya sa kuwentong nagkakaroon sila ng relasyon ng isang magaling na male singer pero mukhang mabilis ding natapos ‘yun.

Tanong ng aming source, “Totoo bang tibo siya? E, ang ganda-ganda niya, magiging t-bird siya? Parang hindi naman. Kapag pinanonood namin siya sa TV, e, girl na girl naman siya!” reaksiyon nito.

Sana nga, isang araw ay lumabas naman sa kanilang bakuran ang maga­ling na female singer, para makita siya ng mga fans niya.

Habang sinusulat namin ito ay may hirit pa ang aming source, “May mga Christmas decor na ang mga bahay dito sa subdivision, pero ang kina ____(ang magaling na singer-actress), madilim pa rin sa gabi.

“Sobrang dami siguro niyang shows ngayon kaya hindi nila maasikaso ang pagdedekorasyon kahit pa malapit na ang Pasko,” huling sultada ng aming source.
Ha! Ha! Ha! Ha!

***

Raffy kinalaban ni Mystica

Nakakaloka talaga si Mystica! Tinanggap siya nang maayos ng staff ng Wanted Sa Radyo, binigyan siya nang sapat na panahon ni Kuya Raffy Tulfo tungkol sa kanyang sumbong-reklamo, pero ngayon ay ang radio anchor pa ang kanyang binibira sa social media.

Ayon kay Mystica na emote na emote sa kanyang monologue ay para raw siyang bata na naghanap ng kakampi, si Kuya Raffy raw ang parang tatay na umalo-alo sa kanya, pero sa bandang huli naman pala ay ito pa ang sasampal sa kanya.

Marami siyang kuda. Kasi nga ay nakakita ng video ang staff ng WSR kung saan nagdadrama si Mystica na ‘yun din ang suot na damit nang magsadya siya sa programa.

Kasama niya sa pagdadrama ang kanyang boyfriend, manglilimos daw muna sila dahil meron nga silang sasakyan, pero wala naman pala silang gas.

Nagdadrama siya na tawa nang tawa, iniihit siya sa katatawa, dahil sa panghihingi nila ng pambili ng gas ng sasakyan niya.

Natural, dahil magkaparehong-magkapareho ang mga suot nilang damit ay nag-isip ang staff ni Kuya Raffy na baka dinadramahan lang sila ni Mystica, na baka pinagtripan lang sila ni Mystica.

Wala raw katotohanan ‘yun, sabi ng kontrobersiyal na babae. November 19 niya pa raw ibinidyo ang sinasabi ng staff, samantalang nu’ng nakaraang Huwebes lang siya nagsadya sa Wan­ted Sa Radyo.

Si Kuya Raffy Tulfo pang pinagsumbu­ngan niya ang binibira ngayon ni Mystica, akala pa raw naman niya ay nakatagpo na siya ng kakampi, pero ang matapang na news anchor-komentarista pa pala ang kakalaban sa kanya.

Napakahirap ispilengin ng babeng ito. Tinulungan na nga siya at lahat, pero ang lumalabas pang masama ngayon ay ang nagbigay ng panahon sa kanya, huwag na sanang bigyan uli ng oras ni Kuya Raffy ang babaeng ito!