Abante Tonite Interactive

Female singer, super-DENY sa RETOKE

109

MARAMI ang nanghihinayang sa hitsura ng female singer na ito.

Kapag nakikita kasi siya ng mga dating ka­kilala, nagugulat na lang sila.

Ang laki na kasi ng iniba ng hitsura ni female singer.

Obvious na obvious na may binago sa kanyang mukha.

Ang pinaka-obvious ay ang ilong niya.

Pero sabi ng mga dating kakilala, mas gusto nila ang hitsura noon ni female singer dahil nga­yon, obvious ang retoke sa kanyang mukha.

Hindi rin ganoon kaganda ang retoke sa mukha ni female singer at ‘yung ilong niya ay masyadong lumiit, huh!

Tinanong namin ang isang malapit na kaibi­gan ni female singer tungkol doon at natawa siya.

“Would you believe, hindi niya inaamin na may pinaretoke siya hanggang ngayon? Hindi raw siya nagpaparetoke!” natatawang sabi ng kaibigan ni female singer.

Kahit obvious na obvious na ang mga ipinagawa ni female sin­ger sa kanyang mukha, ayaw pa rin pala niyang aminin ang tungkol doon.

“Nakakaloka nga. Pati sa aming mga kaibi­gan niya, talagang nagde-deny siya. Kami naman, sige na lang, para walang issue, hindi na lang namin pinag-uusapan pa ang tungkol doon, pero tama ka, mas OK ang hitsura niya noon.

“Sana, hindi na lang siya nagpagawa,” sey pa ng kaibigan ni female singer.

Nang mapanood namin minsan sa TV si female singer, hindi namin siya namukhaan at nagulat pa kami nang ipakilala siya ng isa sa mga host.