Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female singer tinakwil ang pamilya dahil sa lalaki

0 218

Inaasahan na ng marami ang puwedeng mangyari sa buhay at karera ng isang female singer. Grabe ang taas ng kanyang boses, walang kaeport-eport niyang naaabot ang mga notang parang nakasabit sa hangin, ganu’n siya kahusay.

Pero sa kasagsagan ng kanyang pagiging mabenta sa mga shows ay nalunod sa isang kutsarang tubig ang babaeng manganganta. Tinalikuran niya ang kanyang pamilya.

Kuwento ng aming source, “Negang-nega nu’n ang girl! Alam naman natin ang karaniwang kalakaran sa showbiz at kahit saan. Attitude muna bago ang anuman.

“Maraming personalities na kapag lumaki na ang ulo, ayun, bimibitiw na sa pagsuporta ang mga kababayan natin. Tulad ng female singer na ito na ipinagpalit ang family niya sa isang lalaki!” unang kuwento ng aming impormante.

Nakakaawa nu’n ang pamilya ng female singer, dinededma sila ng hitad, nakipagtikisan siya sa kanyang mga magulang.

Patuloy ng aming source, “Kung anu-anong istorya ang inilabas niya para lang magmukhang siya ang tama at maling-mali ang family niya. Para raw siyang kalabaw kung magtrabaho, sawang-sawa na kuno siya!

“Wala raw siyang ginawang mali, inuna lang daw niya ang personal happiness niya! Saka iniwanan daw naman niya sa pamilya niya ang lahat ng naiipon niya! Wala raw siyang dinala!

“Pero hindi naman totoo ang kuda niya! Nakatira pa siya sa bahay nila, e, unti-unti na niyang kinukuha ang naiipon niyang datung!

“Ano na, kumusta na siya ngayon, meron pa ba siyang career? Bukod sa pagngawa sa isang weekly show, meron pa ba siyang mga shows? Waley na!

“Balagoong siya ngayon, walang kahit anong ginagawa, lalo na’t pandemya pa naman! Paano na sila ngayon ng pinakamamahal niyang guy?

“Nu’n pa, inaasahan na ng mga kababayan natin ang nangyayari ngayon sa female singer. Tumalikod siya sa pamilya niya, lumaki ang ulo niya, ano ang magiging resulta?

“Magkasama pa rin sila ng lalaking ipinagpalit niya sa kanyang pamilya, ‘yon ang napala niya!” napakadiing pagtatapos ng aming source.

Sharon, Helen ‘sinaktan’ ng politika

Mukhang meron nang pahimakas ng napipintong pagkakalayo ng dalawang pamilya nang dahil sa politika. Ang mundo pa namang kinabibilangan nila, walang pinipiling relasyon, walang pinipiling panahon.

Sobrang close nu’n ng pamilya ni Sharon Cuneta at pamilya Sotto. Kapag may problema ang Megastar mula nang mag-artista siya ay si Tita Helen Gamboa ang kanyang tinatakbuhan.

Balikat na iyakan niya ang nakababatang kapatid ng kanyang inang si Mommy Elaine, nakakaramdam siya ng katahimikan ng kalooban kapag pinagpapayuhan na siya ni Tita Helen, ganu’n sila kalapit nu’n sa isa’t isa.

Parang ikalawang ama na rin ni Sharon si Senate President Tito Sotto. Siya ang itinuturing na panganay na anak ng mag-asawa, ganu’n kasolido ang kanilang pagrerespetuhan at pagmamahalan.

Pero mapagbiro ang kapalaran. Sa isang panahong hindi naman inaasahan ay biglang nagkatapat ang kandidatura ng asawa ni Sharon at ng kanyang ikalawang ama sa iisang posisyon.

Napakasakit ng nangyari dahil siguradong mga edukado man silang kayang unawain ang senaryo ay masasaktan pa rin ang kanilang mga pamilya sa pag-aagawan sa posisyon nina Senador Kiko Pangilinan at Senate President Tito Sotto.

Hindi sila ang klaseng magbabatuhan ng putik sa harap ng publiko, hindi sila magbabangayan na parang mga palengkera, pero siyempre’y may namumuong tunggalian sa kanilang kalooban.

Pareho nilang ayaw ang labanan, pero nand’yan na nga ang tunggalian, ang tanong ay kung paano nila tatanggapin ang paghamon.

‘Yon ang binabantayan ngayon ng publiko. Ano kaya ang mga nakaambang pangyayari kapag nagsimula na ang pormal na kampanya na susunod na buwan?
(30)

Leave A Reply

Your email address will not be published.