Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female singer tinanggihan ng mga US produ

0 144

Mukhang maagang kinalampag ng kapalaran ang isang kilalang female singer. Anuman ang mangyari, para sa aming source ay babae pa rin ang singer, kahit pa nagbago na siya ng anyo.

Mahalaga ang imahe para sa mga artista at singers. Kapag natatakan ng hindi kagandahang ugali ang kahit sino sa kanila ay nagiging makitid ang daan nila sa tagumpay.

Sa kasalukuyang panahon ay sentro ng mga negatibong kuwento ang female singer na nagpabago na ng itsura. At dahil sa social media, ang mga nagaganap dito ay bumibiyahe sa buong mundo, kaya sumisigaw ang kanyang mga ginagawa.

Kuwento ng aming source, “Kilala namin ang mga show producers, nagbubukas na uli ang mga shows sa Amerika at may mangilan-ngilan na rin sa Canada.

“Nasabik ang mga kababayan natin sa mga concert, panalo ang mga singers at personalities na nakauna ng mga shows nila sa Amerika,” unang kuwento ng aming impormante.

Ilang buwan na palang nasa Amerika ang female singer, umaasa siyang may mga kukuha sa kanya sa mga shows du’n at sa Canada, pero walang kumukuha sa kanya.

Patuloy ng aming source, “Tumatawag na sa mga producers ang kampo niya, nakikipag-usap para sa mga gagawin niyang shows, pero walang may gustong mamuhunan sa kanya.

“Hindi pala maganda ang mga huling shows na ginawa niya du’n, flop ang mga shows, lugi ang mga producers! E, ilan ang mga naluging prodoo? Kaya wala munang kumukuha sa kanya. Mahirap na raw, ngayon pa lang uli sila bumabangon, matatalo na naman sila?

“Meron siyang ginagawang shows, pero sa maliliit na bar lang. Wala siyang shows sa malalaking venue, natatakot ang mga kababayan nating producers na sumugal sa kanya,” kuwento pa ng aming impormante.

Dahil du’n ay maraming nag-iisip na nagsisimula na raw yata ang paghampas sa kanya ng kapalaran dahil sa kawalan niya ng utang na loob sa mga taong may malaking nagawa para sa kanyang singing career.

SM food to go Banner Ad

Sabi na lang ng aming source, “Siguradong darating ang ganu’n para sa mga taong walang utang na loob. Pero napaaga naman yata? Bakit masyadong maaga ang hindi kagandahang pangyayari sa career niya?

“Pero mabuti na rin ang ganyan para naman magkaroon siya ng leksiyon, para naman malaman niya na hindi na siya tulad nang dati na pinagkakatiwalaan ng mga producers,” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

JD ‘inupakan’ ng mga basher

Mapakla na maasim ang imahe ngayon ng kumakandidato sa panguluhan na si Mayor Isko Moreno. Damay rin sa mapakla niyang imahe ngayon ang nag-aartista niyang anak na si Joaquin Domagoso.

Tuloy ay hindi mo maiiwasang magtanong, meron bang mga political advisers ang politikong ito? At kung meron man, siguradong hindi niya sinusunod ang mga payo sa kanya.

Busog na busog sa bashing ang anak niyang si JD dahil sa pakikisawsaw sa isyu ng pagpapabitiw ng isang presidentiable sa laban.

Mas matitinding bashing naman ang kinakain ng mayor ng Maynila mula sa almusal hanggang hapunan, walang bumili sa kanyang sigaw na kailangan nang sumuko sa labanan ng reyna ng Kakampink, sa kanyang mukha mismo nag-boomerang ang kanyang sigaw.

Sa isa niyang kampanya ay maraming nakapag-record ng kanyang mensahe sa mga miyembro ng LGBTQ sa audience. “May ibibigay ako sa inyo, libreng booking!”

Tinuligsa uli ang politiko sa patakleso niyang litanya, tama raw bang sa isang kumakandidatong pangulo pa manggaling ang mga ganu’ng salita, palusot ni Mayor Isko ay nagbibiro lang daw naman siya.

Habang papalapit na ang botohan ay mukhang lumalayo na sa finish line si Mayor Isko. Kung dati’y kinakakakitaan pa siya ng pag-asang makadikit ay palayo na siya nang palayo ngayon.

Hindi kaya ang maging ending ng lahat ay siya pala ang uurong sa labanan? Idinadamay pa niya sa kanyang pailalim na motibo sina Senador Panfilo Lacson at Senador Manny Pacquiao at iba pa pero lumalangoy lang naman siyang mag-isa sa kanyang plano.

Leave A Reply

Your email address will not be published.