Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female star inggit kay Sanya

0 253

RODEL FERNANDO: Nasa Encantadia palang siya ay hinangaan na namin si Sanya Lopez. Marami noon ang nanlait sa kanya na walang mararating ang pag-aartista niya pero nagkamali ang mga hater at basher niya. Ngayon nga ay isa na siyang matagumpay na aktres na kabi-kabila ang mga proyekto sa tv at pelikula.

Inintriga pa nga ang dalaga dahil halata raw na paborito siya ng Siyete. Ang mga kasabayan daw niya kasi o maging datihan na sa network ay hindi nabibigyan ng importansiya tulad ng ginagawa sa kanya. How true marami raw ang naiinggit sa kanya? Totoo ba na insecure ang female star na dati niyang nakasama sa serye?

Anyway, matagal din ang hinintay ni Sanya bago narating ang rurok ng tagumpay. Hindi rin ganoon kadali ang pinagdaanan niya. Madalas nga noon palagi siyang natatawag na starlet kahit nasa Encantadia na siya. Isa rin siya sa mga napagtitripan ng mga netizen na dapat daw pag lumabas siya sa tv ay dapat nakasulat ang pangalan niya sa kanyang damit para makilala. Pero noon ‘yun at iba na ngayon dahil masasabing important star na siya ng Kapuso Network.

ROMMEL PLACENTE: Marami nang nagawang role sa mga serye si Sanya Lopez mga ka-Cuatros.Ang wish naman niyang gampanan ay ang maging isang lesbian o tomboy Sabi ni Sanya sa interview sa kanya”Gusto kong i-explore yung lesbian. Meron akong ginawa pero isang beses lang.Hinahanap ko rin na, ano kaya ang pakiramdam what if ipinartner ka naman sa babae?” Natsa-challenge daw sa ganong klase ng role si Sanya.

Sa tanong kung sinong Kapuso actress ang type niyang maka-partner sakaling mabigyan siya ng project ng temang lesbianism?

“Si Solenn (Heussaff0. Kasi wala lang, ang hot niya lang. Kasi, parang ang feeling ko, kaya niyang kumonek agad sa akin, e. So, siya yung nakikita ko.”

Ang dalawa pa na nasa isip ni Sanya na gusto makapareha ay sina Glaiza de Castro at Rhian Ramos.

Sa tingin ko,kayang-kaya ni Sanya na gumanap na tomboy dahil mahusay naman siyang artista,di ba?

SM food to go Banner Ad

MILDRED A. BACUD: Bongga ang career ni Sanya kahit nasa pandemya pa rin. Kung may mga artistang nag-aalala dahil walang mga projects parang ulan naman ang buhos ng blessing sa aktres.

Ang nagpabongga sa kaniya ay ang “First Yaya.” Kaya nga siya ang isa sa mga artista ng Kapuso na walang dapat ipag-alala kahit pa nasa GMA na rin si Bea Alonzo. Tiyak hindi siya pababayaan ng management.

Patunay ang pagpapapirma muli sa kaniya ng kontrata. Huwag lang sana magbago ang aktres tulad ng pagbabago ng mga taong nagha-handle ng kaniyang career. Huwag pa rin kalimutan ang mga taong nakasama nila ng kapatid na si Jak Roberto nu’ng mga panahong nagsisimula pa lamang sila sa showbiz.

ROLDAN CASTRO: True, kas-Cuatros na Mildred, sana mag-behave ang nasa paligid ni Sanya. ‘Wag naunang lumaki ang ulo at malasing sa isang basong tubig kesa sa aktres. Matagal din silang naging TH noon sa ‘Walang Tulugan’ kaya ‘wag mag-feelingera ngayon.

Kahit si Sanya ay hindi inaasahan ang popularity na tinatamasa sa kasalukuyan.

“I’m very, very happy. I didn’t expect na mangyayari ang lahat ng ito. Ang gusto ko lang noon ay basta may trabaho lang. Kahit hindi ako maging bida kasi alam ko naman kung gaano kahirap makapasok sa showbiz. Pero God gave me more than what I prayed for,” deklara ng Kapuso actress.

“Kung sino si Sanya noon ay same Sanya pa rin ang makikita nila ngayon na masayahin at patuloy na magpapasaya sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya. Sa GMA, lagi kayong nakatatak dito sa puso ko dahil kayo ang nagbigay ng malaking break sa akin dito sa showbiz. Mahal na mahal ko kayo,”dagdag pa niya.

Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.