Abante Tonite Interactive

Female starlet parausan ng mga bagets

By
0 4,886

HULAAN BLUES: Game ang female starlet na ito dahil pinagpasa-pasahan ng mga young actors. Naloloka ang source namin dahil iba-iba ang ka-date niya.

Nu’ng makita raw ito sa isang resto, ka-holding hands niya ang isang bagets actor. Nung sumunod na araw nasa casino naman daw ito kasama ang grupo ng mga bagets actor, ibang lalaki naman ang umaakbay sa kanya. Iba rin ang young actor na nali-link sa kanya ngayon.

Taga-Makati raw ba ang female starlet na ito?

***

Clique V ipinagtabuyan ng nameless manager

DEDMA at ayaw patulan­ ng Clique V ang hindi magandang treatment sa kanila ng nameless manager ng isang negang personalidad.

Ayaw na raw nilang i-welcome ang kanegahan at pagtataboy sa kanila sa isang maliit na studio.

Wala namang problema sa manager ng Clique V na si Len Carillo at Kathy Obispo ng 3:16 Events & Talent Management pagdating sa payment. Sana lang daw ay nagpakatotoo ang nameless manager na maliit lang ang paupahan niyang dance studio at ‘di magkasya ang pito. Dito sana magre-rehearse ang Clique V sa kanilang nalalapit na concert sa Music Museum sa February 27, Tuesday, 8PM. Hindi kasi available nu’ng araw na ‘yun ang dance studio na regular nilang ginagamit na pagmamay-ari ni Madam Len. May nagre-rent kasi dun na nakakontrata kaya humanap sila ng ibang studio dahil kailangan ding mag-rehearse ng Clique V.

Naloka lang sila sa kagaspangan na ipinakita sa kanila ng nameless manager na sumigaw ng ‘Get out’.

Pero move on na ang kampo ng Clique V at ayaw nang palakihin ang isyu. Mas focus na lang sila sa pagre-rehearse sa first major concert nila na may segment with Sheree na ala-Magic Mike ang dating.

Mas gusto nilang magpainit sa ganitong production number kesa uminit ang ulo nila sa nameless manager.

Ang miyembro ay binubuo nina Karl “Campus Heartthrob”, Marco “The Hunk”, Sean “Kilabot ng Dance Floor”, Josh “Cutie Bae”, Clay “Soul Balladeer” Tim “Teen Crush” at Rocky “Boy Next Door”.

Out na rin ang kanilang album na may carrier single na “Pwede Ba, Teka Muna” na isinulat ng award-winning director na si Joven Tan.

Ilan pa sa mga kantang nakapaloob sa album ng Clique V ay ang Ako Na Lang Sana, Bakit Hindi, Magmula Ngayon, Mabuti Na Lang at Sana Naman.

Four months pa lang ang Clique V pero nagkaroon na sila ng award.

Apat na buwan pa lang sa industriya ng musika ang Clique V gaya sa Gawad Musika 2017 bilang Outstanding Boy Band sa 37th Year Ender Top Consumers Choice Awards. Nanalo rin sila bilang Outstanding Boy Band.

Unang napakinggan ang grupo nu’ng i-release last year ang kanilang Christmas single na Tuwing Pasko.

“They are the total package. Puwede silang kumanta, sumayaw at umarte. Hindi limited ang kanilang talento,” pagmamalaki pa nina Len at Kathy.