Abante Tonite Interactive

Female TV host wa epek ang suporta sa network

2,586

Panay ang like ng isang female TV host (FTH) sa mga post tungkol sa naganap na pagtitipon-tipon ng mga nagtatrabaho sa isang embattled network (EN).

Ang dating nong mga pagla-like ni FTH ay parang suportado nito ang mga ipinaglalaban ng mga empleyado ng EN.

Pero para sa mga da­ting kasamahan nito sa EN, walang epek ang tila pagpapakita ng suporta na ‘yon ni FTH dahil sa isang taong malapit (TM) kay FTH na binakbakan nang husto ang EN sa gitna ng mga kinakaharap nitong problema.

Nagngingitngit kay TM ang mga dati rin nitong katrabaho sa EN dahil sa kawalan nito ng utang na loob.

Damay sa ngitngit na ‘yon kay TM si FTH at dahil sa isyung ‘yon ay balitang nawalan ito ng trabaho.

Mukhang sa loob-loob ni FTH ay nakikisimpatya siya sa pinagdaraanan ng EN, pero hindi niya magagawan­g iligwak si TM na salungat naman ang ipinaglalaban.

Malalim ang sugat na nagawa ni TM lalo na sa mga taong dati naman nitong napakinabangan, kaya kung tatanungin ang mga ito ay hindi na dapat makabalik pa sa EN si TM at pati na rin si FTH.

As in banned na forever?! Aray koh!!!
PAK!!

Komedyante pinapaiwas sa ‘amo’

Doon pa rin sa nasabing pagtitipon-tipon ng mga nagtatrabaho para sa EN ay namataan sa crowd ang isang male comedian (MC).

Tahimik lang na nakilahok si MC kasama ang kanyang mga katrabaho at kagrupo, pero hindi nakaligtas ang presence niya sa mga matatalas ang memorya.

Naalala ng mga ito na si MC ay dating kaalyado ng kabilang kampo.
Sa katunayan, may kuha pa ito sa isang papiging na nakataas ang kamao nito bilang pagsuporta sa boss ng kabilang kampo.

Tapos ngayon ay nakikisali ito sa pagtitipon ng mga taga-EN na direktang tumutuligsa sa boss na da­ting sinuportahan ni MC?

Ayon tuloy, may isang hindi nakapagpigil at nasita si MC.

Binanggit nong nanita na may picture pa si MC kasama ng ‘boss’ nito, so dapat ay tigil-tigilan na raw nito ang pagdikit at pagsuporta sa ‘amo’ nito.

Tameme at hindi nakapiyok si MC, na wish ng mga kasamahan niya ay natauhan na at nagbago na ang pa­nanaw sa buhay.

Damay ang kabuhayan ni MC sa problema ng EN kaya kung meron siyang natitirang delicadeza ay susuportahan niya ang dahilan kaya siya nagkaroon ng career, na bumuhay at nagtaguyod sa pamilya niya.

PAK!!

Boobs ni Barbie namimintog

Busog na busog ang mga boobey ni Barbie Imperial sa isa niyang IG post a few days ago, na nasa beach siya at naka-orange bra top at denim shorts.
Pinansin namin ang dibdib ng 21-anyos na dalaga na tila lumaki nang bongga, pero ang sagot lang niya sa amin ay, “Mumsh, itinaas lang! Kalma! Ha! Ha! Ha!”

Ah so, naka-push up lang pala ‘yung boobies niya nang lagay na ‘yon kaya parang bilog na bilog at bongga ang pami­mintog?

Laugh lang ulit ang Barbie sa pang-uusisa namin sa kanyang agaw-pansing bumpers.

Hindi niya naidi-display ang assets niyang ‘yon sa “Ang Probinsyano” dahil policewoman ang role niya sa serye na si Lt. Camille Villaluna at balot na balot ang uniporme nito.

Nag-aral mag-firing si Barbie at mukhang na-enjoy niya ang pamamaril dahil gagawin niya raw ito nang madalas.

Ka-join si Barbie ni Coco Martin at ng nagkakaisang grupo ng “Ang Probinsyano” na nag-Jericho march at nagsindi ng kandila sa palibot ng Kapamilya compound nu’ng Friday night na mahigpit na tumututol sa ABS-CBN shutdown.