Abante Tonite Interactive

Feng shui tips sa mga uma-aura

0 290

Makikilala mo raw ang isang tao kung paano ito pumorma.

Maituturing kasing isang sining ng ekspresyon ang fashion kaya sa pananamit pa lang ay puwede mo nang matukoy kung sino siya bilang isang indibidwal.

Pero ingat din pag may time sa pagiging fashionista dahil may payo ang ilang feng shui experts sa mga uma-aura.

*Ang mga punit o sirang damit ayon sa mga eksperto sa feng shui ay simbolo ng pagiging mahirap. Dahil diyan ay nasa sa inyo na kung gusto ninyong magsuot ng punit-punit na damit gaya ng ripped jeans.

*Para makaakit ng good vibes ay magsuot ng jewelries o accesorries na may pampasu­werte tulad ng morganite o jade bracelet.

*Sa oras ng pamimili, magi­ging yayamanin din ang dating at gagaan ang pasok ng grasya kung magbibihis ng medyo bongga. Ang pagiging maayos na hitsura ay nag-i-invite din ng good energy at tawag-suwerte.

*Kahit uso na ngayon ang magpa-laundry sa washing machine o dry clean ay iba pa rin ang magsuot ng damit na pinatuyo sa sikat ng araw. May dalang su­werte ang damit na nabilad sa sampayan dahil ang sunlight ay nagtatawag din ng good energy.

*Iwasan umanong magsuot ng mga bitin gaya ng pantalon dahil posibleng ang dating ng suwerte’y mabitin din. (ME)