Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fernandez aligaga sa Vietnam

0 275

Ikinabahala ni Team Pilipinas chef de mission Ramon Fernandez ang ulat na pagkakadiskubre ng mas mabagsik at nakamamatay na bagong coronavirus variant na unang nakita sa India at United Kingdom sa magiging host ng 31st SEA Games 2021 na Vietnam.

“If that happens, it is a must now na lahat ng mga atleta natin should be vaccinated,” wika Linggo ng Philippine Sports Commission commissioner. “Nagpasabi na rin ang SEA Games organizers na “no vaccine, no participation” pero mas lalo na na siguro ngayon kung meron na nakita sa kanila about those virus.”

Ipinaliwanag ni Fernandez na nakatakdang magpulong ang 11 CDM sa unang linggo ng Hunyo para alamin ang kasalukuyang situwasyon sa Vietnam na balak idaos ang paligsahan sa Nobyembre 21-Disyemre 2. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.