Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fernandez: Baguio training tuloy

0 129

Pinabulaanan ng Philippine Sports Commisison (PSC) nahawa o nagpositibo sa COVID-19 ang mga Hanoi SEA Games-bound national athlete gayung nakatakda pa lang simulan sa Hulyo 1 ang bubble training sa Baguio City.

Pero giniit ni PSC Commissioner Ramon Fernandez na tuloy ang ahensiya sa Summer Capital training na may mahigpit na heath at safety protocols base sa Joint Administrative Order na inaprubahan ng Inter-Agenc Task Force on COVID-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“While we are still asking the national sports associations (NSAs) to find a sponsoring Local Government Units, we are all set to start our national bubble training sa Teacher’s Camp sa Baguio because iyon na ang naaprubahan at naka-set-up na ang lahat ng satety measures,” wika ng opisyal Martes.

Una nang itinanggi ng PSC ang balita na may mga volleyball player sa bubble ang nahawa nang suwayin ang protocol dahil hindi kasama ang mga ito sa pinamamahalaan ng PSC na pasilidad. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.