Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fernandez bida sa speed kick

0 233

Dinaig ni Emie Soriano Fernandez ng Jose Rizal University ang walong karibal upang pamayagpagan ang 96th National Collegiate Athletic Association 2021 virtual taekwondo speed kicking senior women’s finweight Miyerkoles.

Nagtala siya ng 7.008 points para pagkasyahin na lang sa silver medal si Catherine Joy Vicente ng Arellano University na may 6.633, at sa bronze si Nicole Anne Calasara ng San Beda University na naka-6.608 markers.

SM food to go Banner Ad

Ito ang pangalawang gold ng Mandaluyong-based JRU Heavy Bomber jin makaraang magbida rin sa senior women’s taekwondo poomsae nitong Hunyo 15 lang. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.