Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fernandez: Didal puwede ng rumampa

0 240

Maaari na makabalik sa kanyang paghahanda para sa inaasam na makapag-qualiufy sa 32nd Summer Olymmpic Games 2021 sa Tokyo, Japan ang lady skateboarder na si Margielyn Didal kahit kinukunsiderang bagong epicenter ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang tirahan niya sa Cebu City.

Siniwalat kahapon ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner at oOfficer-in-Charge Ramon Fernandez, na pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on the Management of Emerging Infectious Diseases na makapagpatuloy ng training ang reigning Asian Games champion sa labas ng nasabing lungsod.

“The IATF told us that she could practice in areas under GCQ,” sambit ng mula sa Maasin City na opisyal na pansamantalang humalili sa naka-leave of absence na si PSC chairman William “Butch” Ramirez para maalagaan ang asawang inoperahan.

“She can train in Lapu-Lapu City since there is a skatepark there,” hirit ni Fernandez, na kasalukuyang nasa 14-day quarantine matapos magbiyahe sa Maynila galing Cebu.

Kasama ni Didal sa maagang pinayagang mag-practice ang mga player ng Philippine Basketball Association (PBA) at Philippine Football Leagues (PFL). (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.