Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fernandez ibabalik ang training ng mga atleta

0 615

Balak isunod ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner at Officer-in-Charge Ramon Fernandez ang balik training ng mga national athlete, lalo na ang mga aspirante sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan.

“We plan to meet with POC and CDM Mariano Araneta to discuss the resumption of training on the national team, especially the Olympic hopefuls,” pahayag kahapon ng opisyal, ilang oras tapos pumayag ng IATF Force on Emerging Infectious Diseases na pabalikin sa practice ang basketball at football players sa bansa.

Pero hinirit niyang kailangan pang antayin ang mga impormasyon at alituntunin ng IATF at joint workin group GAB, DOH at PSC upang maging maayos at epektibo ang magiging mga hakbang para sa mga atleta. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.