Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fernandez kumpiyansa sa SEAG

0 202

Naatrasado ang training ng Team Pilipinas para sa 31st Southeast Asian Games 2021 sa Hanoi, Vietnam sa darating na November 21-December 2, pero kumpiyansa si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner at Chef De Mission Ramon Fernandez, na may sapat pang oras ang mga atleta para makapaghanda sa biennial sportsfest.

“I just hope three months would really be enough for them to perform still at their peak or at their very best,” bigkas ng 67-year-old sports official sa online weekly session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum Martes na mga hatid ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart at Upstream Media.

Hangad ng Pinoy athletes na mapanatili ang SEA Games overall championship na nakamit noong 2019 nang itaguyod ng bansa ang multi-sports event. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.