Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fernandez, Magno nag-COVID-19 test

0 265

Pinangunahan ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner at newly appointed Officer-In-Charge Ramon Fernandez ang Corona Virus Disease (COVID-19) swab testing kahapon sa PhilSports Complex sa Pasig City.

Sinamahan ang opisyal ng asawa niyang si Karla Kintanar-Fernandez at umaasang makukumpleto ang 14-day quarantine habang nagtatrabaho siyang OIC hanggang July 17.

“We will comply with the standard procedures to ensure that we are helping in curbing the spread of the virus,” pahayag ni PSC OIC Fernandez.

Nagpa-test din ang national boxers mula Baguio City na kinabibilangan nina 2021 Tokyo Olympic qualifier Irish Magno at 2019 AIBA women’s world champion Nesthy Petecio, 10 iba pang boxers, anim na lalaki at apat na babae, at isang coach.

“Hindi muna sila pinalalabas ng assigned rooms nila. Until lumabas swab test results nila, hinahatiran sila food,” sambit ni Philsports Dormitory manager Roselle Destura.(RC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.