Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fernandez mas magsisikap

0 54

Nabigo man si Leylah Fernandez na masilo ang unang Grand Slam crown, hindi siya pinanghihinaan ng loob.

Ayon nitong Sabado sa 19-year-old, 5-foot-6 Fil-Canadian netter, huhugutan niya ng lakas ang pagkatalo sa 141st US Open women’s singles finals, at gagawin ding motibasyon para mas tumatag sa mga suisunod na lalahukang tournament.

“This loss, I’m going to carry it for a very long time. I think it will motivate me to do better in training, better for the next opportunity I get.” saad ng manlalaro ang ina ay may dugong Pinoy at ang ama ay Ecuadorian..

SM food to go Banner Ad

Natapos ang sorpresang pananala ni Fernandez nang yumukod kay Emma Raducanu ng Britain 6-4, 6-3 sa kanilang all-teen finale sa Arthur Ashe Stadium sa New York nitong Sabado (Linggo sa Manila).

“It definitely stings,” aniya. “But it will just make me want to work harder and stronger, just come back to every tournament with the same hunger I came into this tournament.” (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.