Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fernandez: Salamat ‘Amba’

0 59

Pinasalamatan ni Philippine Sports Commission Commissioner at 31st Southeast Asian Games Chef de Mission Ramon Fernandez ang Embahada ng ‘Pinas sa Hanoi, Vietnam nang tiyakin ni Ambassador Meynardo Montealegre ang pagtulong sa Team Pilipinas na sasabak sa nasabing paligsahan sa Mayo 12-23.

Ginawa ng sports official ang pahayag nang magpugay kay Amb. Montealegre sa naabanggit na lugar Linggo ng gabi sa unang araw ng PH contingent sa nasabing bansa.

Hinirit naman ng ‘Amba’ na aktibo ang komunidad ng mga Pinoy sa Ho Chi Minh at Danang at nag-uusisa sa mga ticket upang panoorin ang bawat laban ng mga kababayan. Nasa 7,000 ang dokumentadong Pinoy sa Vietnam. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.