Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fernandez susubok uli sa politika

0 284

Bukas ang pintuan ni ‘El Presidente’ sa pagtakbong muli bilang public servant.

“If ever, I call it public service, not politics,” ayon kay Ramon Fernandez sa panayam ng Abante ‘Sportalakan’ nitong Lunes. “I will get involved in politics but I will be involved in public service.”

Nilahad ng 67-anyos na commissioner ngayon sa Philippine Sports Commission (PSC) at tumakbo na rin bilang senador pero ‘di pinalad noong 1995, na magiging adbokasiya niya ang pagbuo ng mga grassroots sports program para sa mga atletang Pinoy.

“Susuporta na lang tayo para sa atletang Pilipino, ayon ang adbokasiya natin being a sportsman,” hirit ng Philippine Basketball Association legend.

Pinanapos niyang pahayag: “Yung adbokasiya ko na lalong lumakas because of my stint as a commissioner in the PSC, getting involved with the grassroots sports development, iyon ang pagtutuunan ko.” (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.