Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fernandez umakyat ranking

0 66

Sumampa si Leylah Fernandez sa Women’s Tennis Association world ranking No. 28 dahil sa pag-abot sa finals sa katatapos na 141st US Open singles sa New York.

Yumukod sa championship match ang 19-year-old Fil-Canadian netter sa kapwa teenager na si Emma Raducanu, 18, ng Britain 6-4, 6-3 noong Sabado. Pero nakalikom ng plus 45 points sa kabuuan ng tournament para 2254 total at umakyat sa katayuan.

Pa-finale, pinagsisilat ni Fernandez sina two-time US Open champion Naomi Osaka ng Japan sa third round, three-time Grand Slam champion Angelique Kerber ng Germany sa Round of 16, fifth seed Elina Svitolina ng Ukraine sa quarterfinals, at second seed Aryna Sabalenka ng Belarus sa semifinals. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.