Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘MULTO’ sa PSC huhukayin

0 280

Pinagpapasa ni Philippine Sports Commission (PSC) Officer-in-Charge at Commissioner Ramon Fernandez ang lahat ng mga national sports association (NSA) ng bagong listahan ng national athletes at coaches matapos na madiskubre ang anomalya sa “payroll padding.”

“We actually required the NSA to submit a new lineup of athletes and coaches every year, but now isasama na rin namin siguro iyung inalis na nila or completely out of the training or development pool,” sabi ni Fernandez kamakalawa pagkasampa ng kaso sa contractual na si Paul Ignacio sa National Bureau of Investigation (NBI).

Related Posts

“Hindi pa namin natitingnan completely ‘yung listahan at hindi pa nakikita kung sino iyung coaches at athletes na ipinapasok niya kada payroll,” sabi ni Fernandez na nabuking ang kabulastugan noong Martes sa Rizal Memorial Sports Complex

Hindi din isinaisantabi ng opisyal na maaaring magkaroon ng “ghost employees” sa listahan na posibleng naisisingit dahil sa huling proseso ang paglalagay ng mga pangalan sa payroll bago ipadala sa bangko. May limang taon na ito aniya at aabot sa P14M ang napasakamay ng suspek.

“Well, for one, mahirapan kaming magsita, kasi last process na iyung kanya. Iyung PSC account na lang sina-submit niya. Walang na nagtse-check pa. We want to get to the bottom of this. Everyone needs to be punished,” panapos na wika ng komisyoner. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.