Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fernando Poe, Jr ipapangalan sa kalye ng QC

0 134

NI: VINIA VIVAR

Aprubado na pala sa Senate Public Works Committee ang panukalang-batas sa pagpapangalan na isang kalye sa yumaong institusyon ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr., the King of Philippine Movie at kilala sa tawag na Da King.

Sa report ng Push.com, inaprubahan na raw last Wednesday ni Sen. Bong Revilla, Jr. ang Senate Bill No. 1822 na inihain ni Sen. Lito Lapid, nakatakdang ipangalan kay Da King ang kalye ng Del Monte Avenue at gagawing Fernando Poe, Jr. Avenue.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa inilabas na ulat naman ng Inquirer.net ay naniniwala raw si Sen. Lapid na nagkaroon ng marka sa puso ng bawat Pilipino ang halos 300 pelikula na pinagbidahan ni Da King.

“His peers in the film industry could attest to his whole-hearted kindness to Filipinos knowing full well the struggles of hard work amid worsening socio-economic conditions that Filipino families face then and now,” Sen. Lapid was quoted to have been said.

Matatandaang taong 2004 nang namayapa si FPJ sa edad na 65 years old pero hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin ang kanyang alaala hindi lang sa mamamayang Pinoy kungdi maging sa industriya ng Pelikulang Pilipino. (Vinia Vivar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.