Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ferrer ooperahan sa paa

0 239

Nakabakasyon na nga sapul noong Nobyembre, hahaba pa ang pagkatengga ni Philippine Basketball Association (PBA) player Kevin Ferrer ng NorthPort Batang Pier dahil sa ilang linggong mawawala sanhi ng injury.

Sasailalim ang incoming four-year pro, 27-year-old, 6-foot-4 forward sa sa operasyon sa kanang paa niya na nasuring may ‘venous malformation’ sa plantar.

SM food to go Banner Ad

Inihayag ni NorthPort team manager Bonnie Tan kay Gerardo Ramos ng Spin.ph sa swab test ng Batang Pier sa Makati Medical Center nitong Biyernes, na minor operation lang ang dadaanan ng former University Athletic Associatiopn of the Philippines (UAAP) at University of Santo Tomas Growling Tigers star.

Kaya hindi muna makakasama ang cager sa pagsisimula sa papasok na linggo sa players workout kaugnay sa pagsisimulang muli ng 45th PBA Philippine Cup na natigil nitong Marso dahil sa COVID-19. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.