Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ferrer proud sa NorthPort

0 61

Matapos makabalik sa court mula nang may magpositibo sa Coronavirus Disease 2019, harurot ngayon ang NorthPort sa 46th Philippine Basketball Association 2021 Philippine Cup elimination round semi-bubble.

Sa huling tatlong laro sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga, tatlong panalo rin ang kinuha ng Batang Pier kahit pa wala ang buong coaching staff at may libang game si Greg Slaughter.

Panay panalo ng mga bata ni coach Pido Jarencio na pinalitan muna pansamantala sa coahing job ni team manager Bonnie Tan, kaya tuwang-tuwa, lalo na si star forward Kevin Ferrer.

Nagposte pa ng larawan sa social media ang 28-year-old, 6-foot-5 player kasama ang kanyang mga teammate nitong Lunes.

“Im so proud of this team,” caption ni Ferrer sa photo ng NorthPort na kasalukuyang hottest team sa import-less conference.

Humamig ng halos 4K likes ang post ng dating UST Growling Tiger. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.