Abante Tonite Interactive

Fetty Wap nanuntok ng babae

598

NI:RONA RONA

Kinasuhan ang rapper na si Fetty Wap matapos atakihin ang isang babae sa kanyang tahanan sa Los Angeles. Ayon sa babae, sinakal at pinagsusuntok umano niya ang biktima.

Ayon sa dokumentong nakalap ng The Blast, inimbitahan umano ang babae sa tahanan ng rapper noong June, 2019. Lasing umano si Fetty matapos laklakin ang bote ng tequila.

Matapos nito ay nagwala si Fetty at nanakit ng ilang mga taong kasama nila. Muntik na siyang mapatay ng rapper sa sobrang gigil nito.Mabuti na lamang umano at naawat silang dalawa.

Marami na ring naitalang report sa Los Angeles District Attorney laban sa rapper. Subalit dinismiss din dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Tonite – Wendys Inhouse Ad