Abante Tonite Interactive

Fetus natagpuan sa Gateway mall

By
0 437

Isang walong buwang babaeng fetus ang natagpuan ng garbage collector sa comfort room ng Gateway Mall sa Cubao, Quezon City.

Ayon kay PO1 Morshid Tanog ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nakabalot ang fetus sa asul na kumot at inabandona sa comfort room ng mga babae sa ikatlong palapag ng Gateway Mall na matatagpuan sa Araneta Center, Brgy. Socorro, Cubao.

Sa pahayag ni Ma­delyn Alabot, garbage collector ng mall, dakong ala-1:40 nang hapon noong Miyerkoles nang bumungad sa kanya ang fetus na may dugo-dugo pa.

Ipinagbigay-alam niya ito sa sanitation officer na si Emarleen Marquez at assistant property ma­nager ng mall na si Mark Jacaban na siyang nag-report sa Cubao Police Station.