Abante Tonite Interactive

Fetus natagpuan sa Makati Walter Mart

By
0 162

Natagpuan ang isang fetus na hindi pa mabatid ang kasarian sa isang shopping mall sa Makati City kamakalawa ng gabi.

Ayon sa report ng Makati City Police, dakong alas-6:05 ng gabi nang matagpuan ang fetus sa comfort room ng ikaapat na palapag ng Walter Mart na nasa kanto ng Arnaiz Avenue at P. Camu St., Brgy. Pio Del Pilar, ng janitress na si Maricris Tapuso.

Lumalabas na habang naglilinis si Tapuso ay ­napansin nito ang hindi pa mabatid na kasarian ng fetus kung kaya’t kaagad nitong ipinagbigay-alam sa mga guwardiya.

Abante Hiring – IT dep

Dali-dali namang ini-report ng security ­personnel ng naturang mall ang insidente sa Makati City ­Police.
Patuloy na iniimbestigahan ang naturang insidente.