Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fetus sinilid sa plastic na garapon

0 82

Inilagay muna sa loob ng isang plastic canister ang isang fetus bago inilagay sa loob ng isang plastic bag at itinapon sa nakaparadang kariton na natagpuan ng mga naglalarong bata, kamakalawa ng gabi sa may JP Rizal St., Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ng MPD-homicide section, nakita umano nina Ana at Ben, kapwa hindi tunay na pangalan at menor de edad, alas-8:30 ng gabi ang nakapatong na plastic bag sa nakaparadang kariton habang naglalaro sila sa lugar. Tiningnan nila ang laman ng plastic at dito nakita ang plastic na garapon na may lamang fetus na tinatayang nasa 3 buwang gulang.

Kaagad ipinabatid ni Ben ang natuklasan sa tiyuhin na si Ryan Nicolas na siyang nag-report sa barangay na siyang tumawag sa pulisya. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.