Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fetus sinilid sa Shopee bag

0 156

Nakapulupot pa ang inunan sa isang patay na fetus na isinilid sa isang Shopee bag nang matagpuan ng isang janitor, Linggo sa Tondo, Maynila.

Inilarawan ni P/SMS. Jansen San Pedro ng Manila Police District-homicide section ang fetus na babae nasa 8-9 buwang gulang.

Sa imbestigasyon, nadiskubre umano ni Josephat Ibañez, 21-anyos, taga-Yuseco St., ang fetus habang nakatayo sa lugar, alas-10:26 ng umaga, kamakalawa.

Nabatid na may nakakasulasok na amoy ang nagmumula sa Shopee bag at nang busisiin ay dito na niya nakita ang fetus.

Kaagad umano niya itong ipinagbigay-alam sa pulisya.

Dinala ang fetus sa Cruz funeral para sa safekeeping habang inaalam kung sino ang nagtapon nito sa lugar. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.