Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fetus tinapon sa ilog

0 208

Isang fetus na nakalagay sa bag at itinapon sa gilid ng ilog sa Barangay Camaysa, Tayabas City ang nadiskubre ng isang residenteng napadaan sa lugar noong Martes ng umaga.

Ayon sa report ng Tayabas City Police, laking gulat ng residenteng si Marcelino Cocadiz, nang buksan ang kulay asul na backpack at tumambad ang walang buhay na fetus.

Sa pagsusuri ni Dr. Hernando Marquez, City Health Officer ng Tayabas City, napag-alamang nasa 32 weeks na o 8 buwan na ang fetus at kumpleto na ang mga bahagi ng katawan nito.

Posible aniyang isinilang ang sanggol at patay ito nang ilabas tapos itinapon lang ito ng magulang sa halip na ilibing.

Inaalam na ngayon ng mga awtoridad kung sino ang mga magulang ng sanggol na posibleng maharap sa kaukulang kaso. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.