Abante Tonite Interactive

Fetus tinapon sa kubeta ng NAIA 3

229

Isang fetus ang natagpuan sa loob ng kubeta sa domestic pre-departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, Linggo ng umaga.

Kaagad na inutos ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal na i-review ang lahat ng closed-circuit television (CCTV) footage sa bisinidad ng comfort room no. 302 sa domestic pre-departure area ng NAIA 3 kung saan natagpuan ang fetus na inilarawang ‘full term baby girl’ na.

Sa ulat, natagpuan ang fetus dakong alas-siyete ng umaga ng isang janitress. May nakapulupot pang underwear sa leeg ng fetus.

Rumesponde sa lugar ang MIAA medical team at binigyan pa ng basic life support procedure ang fetus na halos isa nang baby girl pero hindi na rin naisalba ito. (Otto Osorio)