Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fetus umalingasaw sa health center

0 188

Isinilid sa isang plastic bag saka is­inara gamit ang isang masking tape ang isang fetus na natagpuan sa gilid ng health center sa Dasmariñas City, Cavite, Biyernes ng hapon.

Sa ulat ni PSSgt. Lilibeth Tres Reyes ng Dasmariñas City Police Station, nagwawalis sina Vicky Tabucanon at Michelle Margalio sa gilid ng Health Center ng Dasma 4, Baran­gay Salawag alas-4:00 ng hapon nang umalingasaw ang mabahong amoy sa lugar.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hinanap nila ang pinanggagalingan nito hanggang sa mamata­an ang isang plastic bag na naglalaman ng fetus kaya ipinagbigay-alam nila ito sa nakasa­sakop na barangay.

Hindi naman na­batid kung ano ang kasarian ng natag­puang fetus na hinihi­nalang may ilang araw nang itinapon sa lugar. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.