Abante Tonite Interactive

FEU banta sa NU, La Salle

66

Kumikikig pa ang Far Eastern U, binibigyan ng matinding laban ang National U at De La Salle sa men’s at women’s divisions ng UAAP 79 chess tourmanent bago ang final two rounds.

Hawak ng Bulldogs ang 12-round total na 38 points, tatlo lang sa unahan ng Tamaraws (35) sa men’s. Sa women’s side ay magkabuhol ang Lady Archers at Lady Tamaraws sa unahan sa tig-39.5 points.

Sa likod nina IM Paulo Bersamina at FM Austin Jacob Literatus ay kinubabawan ng NU ang Ateneo 3.5-.5 sa Round 12 nitong Linggo sa Henry Sy Sr. Hall sa DLSU campus.

Abante Hiring – IT dep

Sa pangunguna nina WIM Bernadette Galas at WFM Marie Antoinette San Diego ay binokya ng Lady Archers ang Lady Bulldogs 4-0. Nilampaso rin ng Lady Tams ang Lady Eagles 4-0.

Gitgitan sa third place ng men’s ang UE (28) at UST (27). Bahagya lang nakaungos ang Lady Warriors sa Tigresses 25-22.5 sa distaff side.

Round 13 sa Sabado sa Ozanam Audio Visual Room sa Adamson sa Sabado, kinabukasan ay balik sa Henry Sy Hall para sa final round.