Abante Tonite
Mabilis sa Balita

FEU football player kumpirmadong binaril

0 10

Nakitaan ng mga tama ng bala ng baril ang dating UAAP juniors Most Valuable Player ng FEU na si Kieth Absalon ayon sa kanyang death certificate.

Bukod kay Kieth, namatay din ang kanyang 40-anyos na pinsang si Nolven Absalon habang sugatan ang 16-anyos na anak ng huli.

Unang iniulat na nadaanan ng tatlo habang nagbibisikleta ang tinanim na improvised explosive device (IED) ng New People’s Army sa Masbate.

Sa report sa death certificate, sinasabing ang dahilan ng pagkamatay ni Kieth ay ang “hemorrhagic shock” dahil sa “gunshot wounds and blast injuries.” Pareho rin umano ang mga sugat na natagpuan kay Nolven.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakasaad na nangyari ang pagkamatay sa Barangay Anas, Masbate na siyang lugar kung saan sumabog ang IED.

Ayon sa police report, matapos ang pagsabog ay nakarinig pa ng sunod-sunod na putok ng baril sa lugar.

Inako na ng Communist Party of the Philippines ang responsibilidad sa insidente at nagsasagawa na rin umano sila ng internal na imbestigasyon sa pangyayari. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.