Abante Tonite
Mabilis sa Balita

FEU football player todas sa bomba, bala

0 154

Naniniwala ang pamilya ni Far Eastern University (FEU) football player Kieth Absalon na hindi lang ito namatay sa pagsabog ng isang improvised explosive device (IED) kundi binaril din ito.

Alas-6:45 ng umaga kamakalawa, nagbibisikleta sina Absalon, 21; pinsan niyang si Nolven Absalon, 40, at 16-anyos na anak ng huli nang sumabog ang IED sa Purok 4, Barangay Anas sa Masbate City.

Patay ang magpinsan habang nabuhay naman ang 16-anyos.

“We believe na hindi po sila namatay dahil lang po sa landmine. Based on my parents and relatives’ statement and sa pictures na rin po, meron pong bakas ng bala na makikita, which is the main reason why they died,” banggit ng kapatid ni Kieth na si Nathalie, sa panayam ng ABS-CBN kahapon.

Dagdag ng kapatid, “makikita ‘yong bakas ng bala sa mukha ng kuya ko at sa ulo at maging sa likod ng pinsan ko.”
Kaya naman, hustisya ang panawagan ng pamilya ng mga biktima.

“Mahirap isipin at tanggapin ang nangyari sa kuya at sa pinsan ko. Hindi nila deserve. Hiling na lang po ng buong pamilya na makamit ang hustisya,” ani Nathalie.

Samantala, inakusahan ng mga awtoridad na mga kasapi ng New People’s Army umano ang may pakana ng nasabing IED. (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.