Abante Tonite
Mabilis sa Balita

FEU ika-10 sa online chess

0 49

Swak sa top 10 finish ang Far Eastern University-Manila A sa katatapos at nilahukan ng 125 teams na Kasparov Chess Foundation University Cup na inilaro sa online.

Nanguna sa Morayta-based woodpushers si Darry Bernardo, miyembro ng national para chess team, na nagtala ng eighth sa posibleng nine points sa Board 4, iat sa sa naging biktima niya si International Master Harshit Raja.

Sumalo ang FEU –Manila A sa seventh place sa National Technical University of Athens A, (Greece), St. Louis University A (United States) at Moscow Institute of Physics and Technology A, (Russia) na may 6.5 points each.

Pero pagkatapos ipatupad ang tie break points, lumanding sa 10th place ang reigning UAAP champion squad na ang ibang miyembro ay sina Jeth Romy Morado, Rhenzi Kyle Sevillano, John Merill Jacutina at alternate Kristian Glen Abuton. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.