Abante Tonite Interactive

UAAP | FEU tinuntungan ng UST

144

Ginawang tuntungan ng UST ang 86-72 pa­nalo laban sa FEU para sumampa sa susunod na yugto ng UAAP Season 80 women’s basketball stepladder semifinals sa Smart Araneta Coliseum kahapon.

Pito lang sa 16 na biyahe sa stripe ang naipasok ng Tigresses, pero naghigpit sa depensa sa dulo ng laro at kumapit kay Sai Larosa na igi­nuhit ang lahat ng 10 points niya sa fourth.

“We had a lot of free throws missed that we had to work on,” puna ni UST coach Haydee Ong. “Good thing our defense held in the final five mi­nutes.”

Giniyahan ng 24 points ni Anjel Anies ang Tigresses, nakakuha pa ng 14 points, five rebounds at two assists kay Jem Angeles. May 10 at 11 din sina Kikay Gandalla at Lon Rivera.

Sunod na haharapin­ ng UST ang twice-to-beat UE sa Miyerkoles.

Naghihintay na sa Finals ang NU, sa pang-apat na sunod na taon ay nasa championship round matapos walisin ang 14-game eliminations. Walang talo sa 62 laro ang Lady Bulldogs mula pa 2014.