Abante Tonite Interactive

Fever surveillance lane ikinasa sa QC vs leptos, dengue

143

Inihayag nitong Huwebes ni ­Quezon City Mayor Joy ­Belmonte na naglagay­ na ang lungsod ng ‘fever­ surveillance lanes’ sa mga health ­centers upang mamanmanang ­mabuti ang mga kaso ng dengue, ­leptospirosis, viral illnesses­, at iba pang ‘febrile conditions.’

Kasabay nito ay inatasan ng ­alkalde ang health department para bantayan ang nakamamatay na sakit na leptospirosis na nakukuha sa ­tubig-baha ngayong tag-ulan.

Ayon kay Mayor ­Belmonte, ­na­ka­handa na ang QC health ­de­partment sa pagdapo ng mga sakit lalo na ang leptospirosis, kaya inatasan­ na niya ang health department at mga health centers na palakasin ang awareness­ campaign laban dito.

“Our health department is ready to address illnesses, ­including ­leptospirosis, that may peak ­during rainy season. Aside from our strengthened awareness campaign, our health centers have protocols in place to treat patients who have contacted­ leptospira­,” anang alkalde.

Sinabi naman ni City Health ­Officer Dra. Esperanza Arias, upang ­tugunan ang mga ­pangangailangan ng mga mahihirap­ na nagtataglay ng ­nasabing sakit, ang mga health ­center ay namigay ng libreng ­doxycycline at ­amoxicillin sa mga pasyenteng tinamaan ng nasabing mga sakit.

“Our health centers will give free doxycycline and amoxicillin to patients­. Referral to bigger ­hospitals is also in place to address those who would need higher level of care,” paliwanag­ ni Arias.

Base sa istatistika ng Quezon City Health Department (QCHD) ang 160 kaso ng leptospirosis kung saan 21 ang namatay mula January 1 hanggang­ August­ 17 nitong taon.

Nabatid na nasa 62 percent ang ibinaba­ mula sa 432 mga kaso na may 60 mga namatay sa taong 2018 sa kaparehong­ panahon.

Nanawagan ang ­pamahalaang  lungsod sa pubilko na maging ­vigilante sa panahon ng tag-ulan kung saan dito naglalabasan ang daga na nagdadala ng leptospira o ihi na maaaring pumasok sa sugat sa paa nang sinumang lulubog sa baha. (Dolly­ B. Cabreza)