Abante Tonite Interactive

FFCCCII at GMA, magtatayo ng mga paaralan sa Marawi

19

NAKIPAGKASUNDO sina GMA Network Chairman at CEO Atty. Si Felipe Gozon at ang GMA Kapuso Foundation EVP at COO Rikki Escudero-Catibog sa mga lider ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) sa pangunguna ni presi­dente Domingo Yap na magtatayo sila ng 5 public school buildings sa Marawi City pagkatapos ng krisis doon.

Ang mga Filipino Chinese entrepreneurs ay sumusuporta sa “Rebuild Marawi” ng GMA 7.
Nagbigay ang FFCCCII ng P100,000 kamakailan para sa mga biyuda at pamilya ng mga nasawing sundalo at pulis sa labanan sa Marawi City.

Nagbigay rin ang FFCCCII ng 15 public school buildings sa pro­binsiya ng Sulu dahil sa panawagan ni Pangulong Duterte na tulungan ang Mindanao.

Nag-donate ng mga drug rehabilitation ang Filipino Chinese business community sa Luzon, Visayas at Mindanao bilang suporta ng FFCCCII sa laban ng gobyerno kontra sa ilegal na droga.